Here's a take on one of those surveys going around. Apologies to those who can't understand Tagalog.
1. Ano'ng kwento ng suot mong t-shirt? Ginawa ito ng mga contractualized workers sa mga lugar tulad ng Cambodia o China kung saan mababa pasahod, pangit ang mga dormitoryo, at bawal mag-unyon. Ganyan talaga, pag bumibili tayo, commodity lang, disguised ang ensemble ng social relations ng paggawa at pag-exchange nito. Malay ko ba?
2. Ano'ng kwento ng breakfast mo?
Whole grained bread - kwento nito minasa sya ng mapagmahal na kamay ng baker at bunudburan ng wheat at kung anu pa na inani ng mga magsasaka na gamit ang teknolohiya na me suporta ng gubyerno.
Tapos, ipinalaman ko nutella. Yum! ang nutella ay low-GI, ibig sabihin, slow ang pag-release ng energy para di magutom agad at di madaling mawalan ng enerhiya. Me mga kumpanya na nilalagyan din ng malusog na ingredients ang kanilang produkto kasi yun ang demand ng mga consumers.
Juice - na galing sa orange na hinalikan ng araw. Hindi ito galing sa mga low-wage na manggagawang bukid na pinagsasamantalahan ng mga may-ari ng lupa.
3. Ano'ng kwento ng lunch mo? Ah, lunch ko ay me kasamang hipon. Etong hipon na to pangalan nya, Nemo. Tama, Nemo the prawn, o Nemo the shrimp parang yung palabas. Wala syang kamuwang-muwang, akala nya safe sa dagat. Bigla ba namang me net na lumitaw at hinuli sila ng kanyang mga kaibigan. Ayun, napunta sa kusina namin.
4. Ano'ng kwento ng merienda mo? Syempre walang merienda dito di ba? Pero Pinoy syempre, kaya nag-merienda. Nagkape ako at biscuit. Eh Nestle yata yun, e di ba pinapatay nila yung mga kasali ng unyon? Kaya sabi nila: "There's Blood In Your Coffee!" So yun, bampira pala ako, pati lahat ng umiinom ng Nescafe, there's blood in your coffee. Me kaibigan ako na manager dun, totoo daw, me conspiracy na parang sa "Blade." Gusto nila maging bampira tayo.
Di naman talaga ako umiinom ng kape masyado no, pero syempre para naman maging funny at socially-relevant naman tong kalokohang survey na to no.
5. Ano'ng kwento ng dinner mo? Ah, chicken naman. Eh delikado pa naman ngayon kasi me bird flu pa naman. Etong chicken na to me nakasamang ibon kasi, nagka-in-love-an sila kaya yun, na-pick-up nya yung flu. Eh yung lover nya daw manlalakbay, napadaan ba naman sa Iraq at nakita yung mga tinorture at binomba dun na mga tao. Hindi nya maintindihan daw, pero para daw yun sa 'democracy.' Ano daw ba yun? Ang kwento ng manok ko, wala naman talaga pandemic kasi kelangan ng 3 factors para magkaroon nito. kelangan daw me 1) mutated virus, 2) transmittable from birds-to-humans, tapos 3)sustainable ang human-to-human transmission at di lang 1st generation. Yung unang dalawa pa lang daw namimit na criteria. Naalala ko PR ko, baka nga exaggerated ito; isa sa unang ginagawa sa health campaigns e mag-apila sa fear, para ma-rouse ang mga tao sa complacency. Kwento pa ng manok, baka daw galing sa mga flying fox na kumain ng mangga na fertilized ng tae ng me sakit na baboy.
6. Ano'ng kwento sa news? Uso daw obesity
7. Ano'ng kwento sa TV show? Si Chris Angel, magician, nagpalibing. Ewan ko, alam mo na kasabihan: "Life is the funny thing that happened on the way to the cemetery."
8. Ano'ng rele nito?
Wala, ganito talaga sa ganitong burgis na kundisyunes, malamang me mas tragicomedy pa sa ilang lugar.
Posted at 07:34 pm by starsi